Tuesday, September 27, 2011

NEVER LET GO


Highschool ako nung hindi ko pa alam mag-mahal at panay aral an inaatupag ko, sabi nga ng mga friends ko eh tatanda nalang akong mag-isa kasbay ng aking mg analalaman at panahon. Hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila dahil alam kong darating din ang panahonb ko sa ganyang mg abagay, hindi man ngayon, bka bukas o sa susunod na araw. At kung hindi man dumating ang takdang panahon, handa akong lumigaya ayt tumanda kasabay ng aking talino at panahon.

Ngunit isang araw…

Naglalakad ako sa may oval kasama mga kaibigan ko nang may nag abot sa akin ng isang rose. “naks naman Dreah, kanino galing?” tanong ni Clare. Wala akong kaalam alam kung kanino galing ang rose kaya ngumiti na lamang ako at ang alam ko pa ay nag kamali ng pinag abutan ang bata. “grabe ah, kanino naman sana galing to?” tanong ko sa mga kaibigan ko. Lahat sila nagtawanan “it’s time Dreah…finally may taong naglakas loob.” Sabi ni Sam.

Marami na akong natanggap na mysterious gifts na wala talaga akong idea kung sino ang mastermind ng lahat. Ang hirap ng ganito feeling ko pinagbabantaan ang buhay ko, ayaw ko na ngang lamabas ng bahay dahil baka biglang may mag aabot na naman saakin ng kung anu- ano. Kung mahanap ko lang kung sino tong “pesteng” to na nagbibigay ng kung ano ano sa akin ay ibabalik ko talaga lahat ng magi to at sasabihing “kung ipinamigay mo sana sa mga mahihiap yang perang ipinambili mo ng mag to, matutuwa pa ang buong mundo.” Ayoko talaga ng ganito.=(


Pagpasok ko sa room nakangiti lahat ng aking mga friendtacles “o ano may bagong chismax na naman kayo?” lahat sila napangiti at itinuro ang chair ko. “shoot! Ano na naman ito? Guys, ayoko na, tama na, tanggap ko na hindi ako magkakaboyfriend any way….i don’t need it.” Lantad na sinabi ko sa aking mga friends. “Dreah, ano ka ba? Hindi kami ang nagbibigat ng mga to, swerte mo naman ah.” Sabi ni Sam. Napahiya ako sa harap ng klase at umupo na lang. hinawakan ko ung rose at ang letter (xet katakot baka sabihing mag- hintay ka sa gate..mamatay ka na)

Dreah,
            Alam ko agod ka na kakatanggap ng mga bagay na ipinapaabot ko para ibigay ko sayo. Sorry, naghahanap lang ako ng lakas ng loob para magpakilala sayo, sana hindi mo isipin na stalker ako o anu man…sorry talaga…torpe ako oo, pero handa akong sabihin sayo kuna ano tong nararamdaman ko sa tamang time.

                                                MISTERYOSO

Shet naman o…kung saksakan ba naman ng korni tong taong to. “dreah, derive the equation of this..” biglang sabi ng teacher ko. Tumayo ako at sinolve kung ano man ang iniuutos sa akin ng teaher ko. “pay attention, Drea.” Sabi ng teacher ko at nabigla ako. Parang ang tanga tanga ko na nung narecieve ko yung unang rose na iniabot sa akin ng MISTERYOSO na yan.

Sumunod na subject ang chemistry , ang subjectna kahit ang valedictorian ng klaseng to ay magdudugo ang utak. Isang taong wirdo lang naman ang alam kong may paborito ng subject na ito eh, ang nag iisang kaklase kong intsik na parang kasama sa group ng mga K-pop na sikat na sikat ngayon. Siya si Klein Alvin Yoso, minsan nagging kapartner ko siya sa chemistry, akalain mo bang gawin na niya lahat sa sabihin sa aking baka masira ang deskarte niya? Gusto ko siyang idissect noon at isa isahin ilagay sa giant vial mga laman loob niya. Hindi naman kasi ako yung klase ng matatalinong tao na tahimik sa isang tabi at super weird na kausap, matalino ako sabi nila at may social life. Eh itong Klein na ito eh, oo matalino nga, pero saksakan sa yabang. “Dreah, do the redox equation of this.” Biglang sabi ng teacher namin, ayaw ko tumayo sa upuan ko dahil feeling ko pagtatayo ako eh bagong dimension na agad ang kakatayuan ko –ganyan kalupit tong chem subject. Ngunit tumayo ako,naglakad papunta sa may pisara at ginawa ang inuutos ng teacher at sa kamalasan ba naman ay nagkamali ako at biglang umapela si Klein. “mali, mali lahat ng equation mo.” Sabi niya!! Akalain mo bang ipahiya ako sa harap ng mga tao, kunh pwede ko lang siyang imute parang ung movie na pinanuod ko na Click. Natapos ang buong subject at tuwang tuwa ako sa tuwing sasabihin ng teacher ko na “good-bye class”

Uwian na ng hapon nang nakasalubong ko si Klein, pababa ako at paakyat siya. Nagkatitigan kami, napayuko nalang siya nang binigyan ko siya ng tiger look. Kung pwede ko lang gawin ang ginagawa ng zombie sa PVZ matagal ko ng ginawa sa kanya yun.

Chapter 2: naalala mo?

Sa lahat naman ng kamalasan ko ngayung araw na ito, umulan pa talaga. Naghintay ako na humupa ang ulan, pero super tagal na uubusan na ako ng pasensya. “may payong ako.” Sabi ng boses sa likod ko na ikinagulat ko. “ah, uhm may payong ka nga, care ko?” sabi ko dahil nakita kong si Klein iyon. “gusto mo makisukob?” tanong niya na parang ipinapamukha sa akin na “belat may payong ako, in your face!” “uh wag na hintayin ko nalang na mawala tong ulan.” Sabi ko sabay nginiting aso. umupo si Klein sa tabi ko “o bakit ka umupo?” tanong ko sakanya at lumayo nang kaunti dahil feeling ko may asama siyang gagawin sa akin. “hintayin ko nalang din humupa ang ulan.” Sabi niya sa akin sabay tinginsa malayo at napangiti ako dahil ang alam ko sa talang buhay niya ay ngayon lang siya nagging mabait sa akin.

Naalala naming sa tagal ng paghupa ng ulan ang aming mga “past”. “naalala mo ung nahulog ung pencil mo sa labas ng room nuong grade 1 tayo? Tanong niya sa akin at napangiti ako “oo naman, pinahiram mo yung pencil mong kabibili ng mama mo tapos ipapabayad mo sa akin bawat letra na isususlat ko gamit ang lapis mo.” Natawa siya sa paraan ng akin pagkaalala. “oo nga, pero hindi mo binayaran kaya may utang ka parin hanggang ngayon sa akin.” Sabi niya at binatukan ko siya. Saksakan talaga ng kabulastugan tong taong to sabi ko sa sarili ko. “naalala mo nung grade 5, ung Christmas party?” tanong ko sa kanya sa pagaakalang makakabawi ako.” Oo naman, yung nabunot natin isa’t isa? Ahahahah…parehas pa tayo ng regalo parang tanga, sinabi ko kasi sa mama ko na samahan niyang bumili mama mo pero di ko sinabi kung sinu nabunot ko.” Sagot niya at nagulat ako. “naalala mo nung classpicture natin nung first year?” tanong niya at nagtaka ako panay naalala naang pinag-uusapan naming eh problema ko kung pano makakauwi. “oo nung katabi kita at sinungayan mo ako kahit formal yung picture nayon.” sagot ko napangiti siya sa akin at sinabing “sorry =)” napangiti na rin ako “ayus lang yon.” “maaalala mo kaya tong araw na to?” sabi ko, nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. “oo naman.” Sagot niya at bumilis heart beat ko =) “bakit naman.” Tanong ko sa kanya at  kahit nakatingin ako sa malayo naramdaman kong napatingin siya sa akin “kasi late na akong uuwi kakahintay na humupa ang ulan kasama ka.” Sagot niya at hinwakan ang kamay ko, tumigil ang daigdig ko “shet ano to” sigaw ng isip ko.”gagi ka talaga.” Sabi ko sabay hila layo ang kamay kong kunwaring aayusin ang buhok ko.

Napahinga siya ng malalim. “payungan nalang kita pauwi late na rin eh.” Sabi niya at tumayo. Napagisip-isip ko na gabi na rin pala  kaya sumabay na ako. Naglakad kami pauwi dahil para sa kanya sayang pamasahe. “sabi nila pag-umuulan daw at umaaraw may kinakasal na dwende.” Sabi niya at deretso parin ang tingin sa kadiliman ng paligid. “oo, alam ko yon.” Sagot ko na napatingin sa kanya. Napatingin din siya sa akin at sabing “pano kung umuulan na gabi? May kinakasal na tayo?” banat niya. “korni mo.” Sabi ko at naramdaman kong may kiliti sa aking tiyan. “katulad ng isang umagang may ngiti…” awit ni Klein. “katulad ng hangin sa aki’y dumadampi” tinuluyan ko naman ang awit niya. At nagsabay kaming umawit “na ako sayo’y maghihintay, na ako sayo’y mag-aabang katulad ng isang bata na umiibig.”  Biglang natiil ang ulan kaya nagtawanan kami, isinara niya ang payong at ginawa itong mic “ikaw parin ang hanap ng pusong ligaw!!!!” awit niya at natawa lang ako. Nakarating na kami sa bahay ko,”dito  ka nap ala.” Sabi niya. “oo, bye ingat ka.” Sabi ko at binuksan ang pinto at pumasok. Ngayon lang ako Masaya na umuwi na hindi kasama ang aking mga kaibigan, hindi ko mabura ang ngiti sa aking mukha na pansin din ng aking mommy “anong meron sayo ang saya mo?” tanong niya. “wala, katulad ka kasi ng isang bata na umiibig” saaot ko at alam kong napangiti siya dahil Masaya siya pag sinasabing para siyang bata. “naalala mo nung grade 4 kayo ni Klein?” tanong nang mama ko at nagulat ako dahil kahit dito sa bahay ay meron ang salitang naalalamo?”hindi po bakit?” tanong ko “nung  halos mapuyat na siya kakabantay sayo sa hospital noong dinegue ka ng super?di ko alam kung bakit siya anduon pero sabi naman ng mama niya ay gusto ka niyang Makita.” Napatigil akong kumain at napangini, tanging “talaga?” nalang ang nasabi ko pero deep inside tuwang tuwa ako hindi ko alam kung bakit.

Gabi na nang nagtext si Klein sa akin “good night and tnx….gm” natuwa naman ako sa text niya kahit nonsense di ko parin binura. “gudnyt =)” reply ko at natulog na rin.

Chapter3: mahal kita kasi….


Matagal tagal na rin kaming di nag uusap ni Klein dahil sa mga schedule at mga projects na rush dahil malapit na mag end ang first sem. Saka lang kami mag-uusap pag hihiram ako ng pencil sa kanya. “grabe naman sila sir malapit na nga ang sem break kailangan pa nilang magpaproject ng sobra sobra, hay..hell week!” reklamo ni Sam. “I agree.” Sagot ni Claire. “hoy Dreah! Nag-iisip ka na naman diyan. Ang weird mo this past few days.” Sabi ni Sam. “meron nanaman kasi akong natanggap na bagay mula sa MISTERYOSO na yan.” Sagot ko. “o anu naman un?” sabay nilang tanong. “ito o.” pinakita ko ang isang teddy bear na may nakasulat na mahal kita kasi….. “o bakit yan? Di ka na nasanay halos isang bwan ka ng nakatatanggap mula jan sa MISTERYOSO nay an ah.” Sabi ni Sam. Lumabas ako sa may corridor para magpahangin nang lumapit si Klein, “grabe sakit na ng kamay ko kakagupit ng mga projects…” sabi niya habang nag-uunat unat na parang kagigising. Hindi ako sumagot. “may problema ka?” tanong niya. Timingin lang ako deretso sa mata niya “may problema ka nga” sabi niya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay inakbayan niya ako. “ayos lang yan, pasasayahin kita.” Sabi niya. “unggoy ka ba?” tanong niya sa akin at nagulat ako “hindi noh, bakit mukha ba?” tanong ko. “hindi pero kasi sumasabit ka sa puso ko.” Sabi niy asabay tawa…”bangin ka ba?” banat niya uli. “hindi bakit?” tanong ko “kasi nahuhulog na ako sayo.” Sabi niy asabay tawa at napangiti ako konti “eh, drugs ka ba?” tanong niya ulit. “gagi hindi noh, bakit namna sana?” sabi ko na nakangiti. “nakakaadik ka kasi =).” Sabi niya at natatawa na talaga ako sa mga sinasabi niya “pustiso ka ba?” tanong ko naman “o bakit?” huminga ako ng malalim at sinabi na “because I can’t smile without you.” Nagtawanan kaming dalawa, parang nawala ang aking pag aalala tungkol kay MISTERYOSO dahil parang panatag ako na hindi ako masasaktan pag kasama ko si Klein. Napatingin ang aking dalawang kaibigan at alam kong nagtataka sila dahil alam nilang kumukulo ang dugo ko kay Klein. “o ayan Masaya ka nanaman.” Sabi niya ngumiti lang ako sa kanya at bumulong siya sa akin “mahal kita kasi…” sabay takbo dahil maron na ang next subject teacher namin.

Chapter 4: the Knowing

“sembreak na!” yan ang gusto kong isigaw sa lahat ng taong masasalubong ko ngunit di ko magawa dahil magmumukha lang naman akong tanga. Kasabay kong umuwi ang aking mga kaibigan. “may natanggap ka ba ngayon? Tanong ni Sam sa akin. “wala!!” Masaya kong sagot sa kanya. Naglakad kaming magkakaibigan pauwi ngunit napagisip isip nilang pumunt amuna sa mall pero hindi na ako sumama dahil gusto kong matulog hannagng last day ng sembreak. Habang naglalakad ako mag isa, nakita ko si Klein naglalakad din mag isa kaya tinawag ko siya “klein!!”sigaw ko at napatingin siya at nilapitan ako. “o bakit mag isa ka?” tanong niya. “pumnta sa mall mga friendtacles ko, ikaw?” “ah, wala naglaro silang dota.” “ah ganon.” Naglakad kami pauwi at walang na-uusap nang naisip niya sigurong manuod kami sa bahay nila, sumama naman ako.

“ano gusto mo panuorin?” tanong niya sa akin. “Kahit ano, trip mo ba?” sagot ko sa kanya. “tingin ka nalang jan ng gusto mong panuorin, magluluto lang ako ng kakainin natin.” Sabi niya sabay tiro sa napakaraming dvd sa tabi ng tv niya. Napili kong panuorin ang a walk to remember dahil hindi pa to nabubuksan at gusto ko siyang asarin, alam kong lalaki siya at hindi nanunuod ng ganito. Napagisip isip kong mag-isa lang pala niyang nakatira sa ay kalakihang bahay malapit lang sa bahay namin. “klein, matagal ka pa?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya naglibot muna ako sa bahay nila dahil hinhanap ko rin ang comfort room. may nakita ko ang mga pictures naming sa isang table malipit sa isang kwarto at napangiti ako sa nakita kong class picture na sinungayan niya ako. Sa pagaakalang c.r. ang kwartong kasunod ng mesa, binuksan ko ito at nagulat sa aking nakita.  Teddy bear, roses at mga letters na may nakalagay na MISTERYOSO. Shet!!! Si Klein si MISTERYOSO? Inisip ko ang buong pangalan ni Klein, Klein Alvin YOSO, F*ck ang tanga ko!!! Bakit di ko yo naisip ang tagal na, ang bobo ko, si MISTERYOSO ay si Klein? Agad kong isinara ang kwarto niya nang narinig kong tinatawag na niya ako “Dreah san ka?” bumaba ako agad. “san ka galing?” tanong niya sa akin. “ah wala naglibot lang ang laki pala ng bahay mo, mag-isa mo?” tanong ko na parang wala akong nakita. “ah, oo, asa ibang bansa na sila mama at dir n magtatagal kukunin na rin nila ako.” Sagot niya . sabay kaming umupo sa may sofa. “ah ganon?sayang naman.”

Nagsimula na ang movie at tahimik kaming dalawa, naglalaro parin sa isip ko kung sasabihn ko bang alam ko nang siya si MISTERYOSO. Pinili kong itago ang nakita ko sa sarili ko. Sa kalagitnaan na ng movie ay sumandal ako sakanya at inakbayan niya ako. Sa kanyang tabi pakiramdam ko napaka safe ko na, si MISTERYOSO hindi ako sasaktan. Mahal niya ako kaya niyang isakripisyo lahat katulad nalang ng pinapanuod namin, pero torpe siya, mahal niya ako pero sinasarili niya, hindi niya sinasabi pero ginagawa nya. Masmaganda na sigurong ganito kesa ipilit kong sabihin niya sa akin na mahal kita at hintayin niyang isumbat ko na mahal rin kita. Nakatulog ako sa balikat ni Klein at nagising na lamang nang natapos na ang movie. “nakatulog ka.” Sabi niya sabay ngiti. “alam ko.” Sagot ko. “maganda pala tong movie na to, akala ko boring kaya di ko pinapanuod.” Sabi niya habang pinapanuod pati ang credits ng movie. “oo naman.”

Umakyat kami sa roofdeck nila dahil sabi niyang duon siya nakakakuha ng peace of mind, pero pilit parin naglalaro ang mga nakit ako sa isip ko .Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasabi ko sakanya na alam ko na siya si MISTERYOSO. “klein, alam ko na.” sabi ko bigla. “alam mo na ang alin?” tanong niya na parang wala siyang lihim. “klein ikaw si misteryoso? Klein, tinago mo? Tinago mo ng ang tagal tagal.” Sabi ko na parang pinagsisinungalingan ako. Tahimik lang si Klein. “klein, bakit? Kelan pa?” tanong ko sakanya at napatingin siya sa malayo. “matagal na Dreah, matagal na.” pabulong na sabi niya. Madilim na ang paligid kitang kita na sa kalawakan ang mga bitwin at buwan na nagsisilbing ilaw naming. “bat di mo sinabi? Bakit sinarili mo? Bakit tinago mo lang!” sabi ko, may namumuong luha na sa aking mga mata. “Dreah, hindi ganun kadali, dreah, wala akong lakas ng luob para sabihin sayo, para matanggap mo, dahil iniisip ko na baka ireject mo lang ako, baka ayaw mo. Takot ako masaktan dreah!.” Sabi niya. Tumulo na ang liha sa aking mga mata. “klein, bat di mo sinubukan?”tanong ko. “dreah, I’m sorry….” Sabi niya at niyakap ako. “dreah, mahal kita  at ayaw kitang mawala yun lang yun….” Bulong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano isasagot ko dahil napaka bilis ng lahat ng pangyayari kaya niyakap ko nalang siya,


Chapter 5: distansiya

Ilang araw na rin na hindi kami nagkakausap ni Klein at ngayung pasukan nanaman para sa second sem ay makakausap ko na siya. Pagpasok ko sa classroom ay siya aga ang aking hinanap, wala pa siya. Tulala akong nilapitan ng mg akaibigan ko “kamustang break mo girl?” tanong nila sa akin. Wala akong maisagot dahil hindi ko alam kung ayos ba o hindi. “oy dreah, kamusta?!” sabi ni Sam. “ahh, a-a-yus lang, kayo?” sabi ko nalang. “Masaya, wala ka nung mga outing ah, dalawa lang kayo ni Klein ang wala, magkasama ba  kayo?” tanong nila. Yumuko lang ako sapagkat hindi ko siya nakita o nakausap sa mga nalalabing araw nang break. “hindi, hindi ko siya nakasama eh.” Sabi ko.

Sawakas dumating na si Klein kaya agad ko siyang nilapitan “klein, musta?” sabi ko pero nilayuan niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya,shet to ah siya na ngang nilalapitan siya pang lalayo. “problema mo!!!” sigaw ko. Kumukulo nanaman ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya pero iba ito sa dati, mas nangingibabaw ang pakiramdam na “bakit?may distansya na?”

Kamalasan ba naman nagging kapartner ko nanamna siya sa chemistry namin. Ginawa ko ng mali ang unang procedure para mapansin niya ako pero wala hinayaan niyang mali ang aking ginagawa kaya inulit ko ulit, nagkasalubong an gaming kamay sa pagkuha ng test tube kaya nagkatinginan kami, halata sa mata niyang may problema siya, ang lalim na parang may gusto siyang isigaw. Natapos ang boung session sa chem. Na hindi kami naguusap.

Umuulan nanaman, wla nanaman akong payong sana meron si Klein tulad ng dati. Pero walang dumating na Klein, wala akong kasamag humua ang ulan, wala…magisa ko na, parang magisa ko nalang sa buong mundo. Pinili kong magpaulan, pinili kong magpakabasa sa ulan. Kasabay ng pagtulo ng ulan ang pagtagaktak ng luha sa aking mata..bakit asan si Klein? Asan siya?! Gusto ong itanong sa buwan kung asan si Klein sa oras na kailangan ko siya. “klein…?” bulong ko sa sarili ko haban naglalakad ako sa ilalim ng mabibigat na tulo ng ulan. Nahihirapan na ako,hindi ko magagawang bigla siyang talikuran….bakit din a ganon? Nakarating ako sa bahay na basing basa lahat, walang tao. Pakiramdam ko talaga magisa ko nalang dito sa Earth. Humiga ako agad “klein!!!!” sigaw ko at umiyak. Hindi ko na kayang piliting Masaya ako….nalilito na ako, panu mo ba mararamdaman.bakit may distansiya?space?

Chapter 6: parting time

Pagpasok ko ng room iniisip ko kung ano ang meron dahil may isang dosenang rose sa upuan ko katulad ng dati at may kasama itong mga letters lahat ay galing kay MISTERYOSO. Si Klein ay tahimik na nakaupo sa kanyang upuan, nilapitan ko siya. “klein, bakit?” tanong ko at tumayo siya at niyakap ako nang napakahigpit sa harap ng mga kaklase. “dreah, I have to leave…” un lang ang nasabi ni klein. At dumating na ang teacher, at inutusan kaming gumawa ng poem. buong araw kaming walang ginawa dahil hindi pa naayos ang schedule namin.

Uwian na at umuulan parin, nakita ko si klein na naghihintay at agad ko siyang nilapitan “Klein, what do you mean?” tanong ko. Tinalikuran niya ako at alam kong naiiyak na siya “harapin mo ako, anong meron?” sabi ko. “dreah, naalala mo nung sinabi kong kakaunin din ako ng mga magulang ko?” tanong niya na nakatingin sa mata ko na parang puso ko ang kausap niya. “oo…” sagot ko na nagtataka. “dreah, kukunin na nila ako, dreah, I’m leaving, I only have one week to spend it with.. one week, for me is not enough for you to feel how much this heart screams your name, how much this love is so real.” Sabi ni klein. Napatunganga lang ako sa sinabi niya pakiramdam ko magugunaw na ang mundo sa ilalim ng akong mga paa. “klein, bakit ngaun pa?ngayun pang Mahal na kita?” sabi ko at pinipigilang umiyak. “dreah, promise me na ganyan lagi ang mararamdaman mo kahit wala na ako.” Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. “long distance relationship Klein?” tanong ko. “oo.”

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pag uwi namin, wala ako sa sarili ko, wala….. ang hirap hindi ko kaya, mas gugustuhin ko pang umupo at makinig sa chemistry teacher naming ng magdamag kesa paulit ulit kong naririnig ang kanyang boses na sinasabing “I’m leaving.” i’m dying inside, it cuts like a knife. Pero anong magagawa ko? Kailangan ko tanggapin na aalis siya,iiwan ako ang taong nagturo sa akin na magmahal.



Chapter 7:kaya mo ba?

Kinabukasan, sa aming  Filipino subject sabi nang teacher naming na kailangan naming basahin sa  harap ang poem na ginawa namin, punong uno ng luha ang notebook ko dahil ginawa ko ito kagabi, kamalasan ba naman ako pa ang nauna:

Naniniwala ba kayo sa long distance realationship?
Yung tipong dagat ang inyong pagitan
At langit nalang ang kapwa niyo tinitignan
Kung saan oras,araw at taon
ang lilipas na hindi kayo magkasama
sisikat at lulubog na ang araw at buwan
na hindi niyo kapiling ang isat isa
at sangkap ay telepono sa inyong pagmamahalan
internet ang tulay sa milya-milyang pagitan
at ang mga kuhang litrato ang bawat kwento
sa bawat pangyayari sa buhay niyo
na nagsasabi sa puso niyo na
sana andito ka, sana kasama kita
sa madaling salita ang tangi niyong sandalan
ay pangako, pagtitiwala at pagmamahalan
marahil isa ka sa sasagot na hindi
dahil ba ang panahon at mundo
na ating ginagalawan ay nababalot ng tukso
dahil ba mahirap sumugal ng hindi mo alam?
Kung karapatdapat ba siyang pagkatiwalaan
O dahil takot kang umasa at sa huli’y masaktan
Sadyang maraming kinakatakutan ang tao
Takot masaktan takot matalo
Kaya ang ganitong relasyon
Unti unting nagging alamat
Ang pagmamahalay ba’y di sapat
Hindi ba karapat dapat itaya
Ang buo mong pagtitiwala?
Sadyang ginawa ang mundo na balanse
May saya may lungkot
May katapangan at takot
Hinahanap ng puso ang babalanse dito
Paano kung itong tao ay malayo?
Mas maganda na kayang
Sumubok sumugal at maniwala
Kaysa sumuko nang walang bahala.

Tumigil ako sa pagbabasa dahil sa mga luhang tumagaktak at hindi ko napigilan ang sarili kong itanong si klein, “kaya mo ba?”

Chapter 8: pagbilang ng panahon

Marami nang taon ang dumating at umalis, marami nang oras ang nasayang kakaisip sa kanya, ok ba siya o kaya’y ako’y nalimot na. doctor na ako, siya kaya ano na? single pa ako at naghihintay,siya kaya? Magbabalik pa ba? Ang hirap na sa tuwing sisikat ang araw ay umaasa kang mukha niya ang makikita mo, na amoy niya ang maaamoy mo, na yakap niya an babati sayo. Sampong taon na ang lumipas nang nawala siya sa akng tabi sampong taon na nag-iisip at nababhala, meron pa kaya ang pagmamahal na nraramdaman niya?

Araw araw akong may nagagamot na mg abata, araw araw akong may inooperahan, araw araw ding may namaamatay sa akin mag kamay. Pero ako kay, ang pusong plit umaasa, magagmot ko ba? O tuluyan nang mamatay sa kahihintay…sigro nga’y tama ang mga friends ko dati, nakasabay kong lilipasan ng oras ang aking talino at panahon. Tanggap ko na, mabubuhay akong mag-isa, walang kasama kundi ang aming mga alaala, mula grade one hanggan 4th year hs. Malamang nalimot na niya ako o kun hindi man , mananatili nalamang akong alaala ng kanyang pagkabata. Tama na ang mga memories naming para ipakita na nagmahalan kami sa mg apanahong katabi namin ang isa’t isa. Ang pagkakamali lang ay maraming nasayang na oras na nagkainisan, nagkabalewalaan at hindi nagpansinan. Nabilang ko na lahat ng panahon na meron kami,nabilang ko na rin ang oras na nasayang naming at pati na rin ang panahong ipinagkait sa amin. Sana kung asan man siya ngayon inaalala niya rin ako sa paraang ganito, sana iniisip niya rin kung buhay pa ako. Sana maisip rin niyang bilangin ang panahong meron at nawala sa amin. Si MISTERYOSO, ang taong nantakot at nagpanatag nang buhay ko, Si MISTERYOSO ang  taong nagturong magmahal, si MISTERYOSO ang bumalanse sa buhay ko.pero kailangan kong ipagpaatuloy ang buhay ko, lilimot nalang ako.

Chapter 9: magbalik

Paggising ko isang umaga, may naiwan ng isang rose at letter sa aking pintuan. Nagtaka ako kung kanino galing ang mga iyon. Binksan ko ang letter pero wala itong laman. Naalala ko tuloy ang mag oras na si MISTERYOSO ang misteryosong lalaking bigla bigla nalang mag-aabot sa akin ng mga ganito.

Pagpasok ko sa ospital napaka rami ko agad pasyente, lahat bata na may sakit, ngunit bakit lahat sila may hawak na rose?nagsimula nanaman ang nararamdaman kong takot nuon. Lahat ng pasyente ay nagiiwan ng mga rosas sa aking maliit na mesa, sa huling limang pasyente ko ay nagtaka ako wala silang binigay kaya napanatag ang loob ko. Pang huling pasyente na itong susunod sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ng huling pasyente ko,nagulat ako Shet, si Klein?

“dreah?”sabi niya at isinara ang pinto,. “Klein..” hindi ko siya nagawang yakapin sapagkat nakapag move on na ako. Wala na ata ang aking nararamdaman, may naramdaman akong galit sa aking didbdib dahil ganon kadali lang niya akong naiwan, pero hindi gaon kadaling bigla nalng niya akong babalikan..sinubukan niya akong yakapin pero umayaw ako. “buhay, ka pa pala. Di ka man lang nagparamdam.” Sabi ko na may halong tampo. “nag e-mail ako sayo, hindi ka nagreply.” Sagot niya. “hindi ko natanggap wag ka magsinungaling.” Sabi ko. “dreah, hindi ka naalis sa isip ko sa tuwing gigising at matutulog ako, buong oras at panahon na malayo ka sa tabi ko ikaw lang inisip ko, dreah when I left I lost a part of me.” Sabi niya. Hindi na siya ng Klein na kilala ko dati, hindi na siya si MISTERYOSO na hirap sabihin ang nararmdaman. “salamat, pero sa paglipas nang paanahon na wala ka, pinilit ko na lang na kalimutan ka kaysa araw-araw akong naiisip kung ganun parin kaya.” Sagot ko, pinipilit kong wag nang umiyak para mapakita sa kanya na kinaya ko kahit wala siya.
“hindi kita nilimot, bumalik ako para sayo,”
“ten years,Klein, ten years na wala ka, hindi ka manlang nangamusta.”
“how about the promises,Dreah? The promise that you’ll wait.”
“all the feelings vanished Klein, nawala ka nalang ng pang bula, umalis ka sa pagaakala kong araw araw mo akong babalitaan ng nangyayari sayo pero…wala….i waited Klein.”
“please, dreah, give me another chance.”
“enough, move on…just what I did….tama na, enough of the roses, tamana yung nga memories natin, natanggap ko na, wala ka na eh……hindi ganon kadali pero kailangan.
“so I guess this is good bye.”
“oo, umalis ka na.”

Chapter 10: goodbye L

Over time ako sa hospital ngayon kasi wala ang ibangg doctor, wala masyadong pasyente kaya ayos lang.

Malipas ang ilang oras, biglang dumating ang ambulansya ng hospital, at kinakailangan ako sa emergency room. pag pasok ko ng emergency room nagulat ako sa nakita kong duguan na tao. Hindi ako nagugulat sa ganito dati dahil pinili ko itong trabaho eh, pero ngayon,nang Makita ko tong taong to,duguan at nagaagaw buhay, kinakailangan ko talagang buhayin to.

Tumutulo ang luha ko habang pinipilit irevive itong tao. “please live…live” sigaw ko habang pinipilit siyang buhayin pero huli na ang lahat….wala na. napaupo ako habang umiiyak, sobrang iyak ko wala na. naalala ko lahat samahang meron kami, kami ni Klein. Lahat nawala parang bula, pakiramdam ko pasan ko na ang buong mundo sa aking balikat. Klein died on my arms. I should’ve never let him go, sising sisi ako……ang taong nang iwan sa akin pero ginawa ang lahat para balikan ako ay rineject ko, rejection os the thing he was so afraid of from the start. Bumalik siya sa pagaakalang mahal ko parin siya, pero ipinagkait ko sakanya, ipagkait ko ang matagal na naming prinoprotektrahan. I was so stupid when I said I didn’t love you so.

Lumabas ako ng hospital at nagtanong kung ano nanyari, sabi nila lasing daw siyang nagmaneho
At di nakita ang nasalubong niyang truck kaya bumagga ito. Binuksan ko ang email ko at nagulat na may 10,000 unread messages ako. Binasa ko ang pinakahuling message.

Dreah, I’m coming back to be with you and never leave your side anymore. will you marry me? I know this is imformal but I just can’t wait to ask you this”
Dated: 10/23/2007

Naiyak ako sa nabasa ko ang tanga ko sa pagkalimot ko sa kanya hindi ko na muling binuksan ang email ko, ang ipinangako niyang magiging communication namin. Pinagsisihan ko lahat.

Gabi din na yon, pumunta ako sa bahay nila dati, nakita ko na nakahanda ang lahat puno ang bahay ng rose, tulad ng mga binibigay niya sa akin. Sumara ang pinto dahil sa malakas na hangin. Naluha ako ulit sapagkat ramdam ko na andoon siya, naghihintay sa aking pagdating. “klein, I’m sorry, I shoud’ve hold unto you….i’m sorry…I’ll always love you. The deafining silence means nothing to none but me, I expect him to answer but only the cold linger of wind answered.

I promise you that I’ll grow old withmy knowledge and with our mamories.
And this flame of love we have will never burn..

----end-----
“”””sorry sa mga mali na naittype…sorry,,,intindihin nalang